May mga bagay na importnate pero hindi urgent.. gaya ng pag-ibig.

Mukhang late na naman ako matutulog at may tinatapos pang plate. Ang hirap eh. Hirap magpantay ng kulay gamit ang water color. Kakaurat. Nakakailang patong na ko eh pero okay lang gusto ko naman eh. Ineenjoy ko, kasi yun naman ang mahalaga. hehe

Pagkakain mo ng madami tsaka mo na isipin ang after effect. Enjoy!
Huwag mong isiping finollow ka nila dahil sa blog mo. Utut. Una nilang minahal yung icon photo mo.

Mahahalikan ko talaga yung unang taong magfofollow sa blog ko. Sana ispesyal. Follower ko lang kasi yung dati kong blog. Forever alone? Hindi naman. Hindi ko lang alam kung paano ko hahalikan ang sarili ko.

Kung magiging syndrome siguro ang mga akting ni Budoy, lahat siguro happy.

Hindi dahil pagtatawanan natin ang arteng ginagawa ng mga katulad na special child na si Budoy kundi dahil ‘yun ang dinikta. Be happy, be budoy.

Si Juan nga na fictional character tinamad, tao pa kaya. Hello, sakit na ng lipunan yan. Kaya nga hindi tayo mayaman eh.
Sec-mester

Kanina lang ako nakapagenroll, at siguro bukas kailangan ko nang ilagay ang isip at utak sa pangalawang semestre ng pag-aaral. Bwisit kasi parang tinatamad pa ‘ko at pinipilit ko pa ang sarili kong pumasok apat na araw na ang nakakaraan. Napansin ko ngang isang klase lang ang pinapasukan ko eh, shet db, parang hindi estudyante. Pano ba naman dinikta nang ganun kapag 1st week pala ng sem, eh sino ba naman ako parang magbait baitan? 

Masipag ako mag-aral noh? Pucha naman sino naman kasi ang gustong tamarin. Ayoko nun, phobia ko na ‘yun simula noong grumaduate ako ng hayskul. Kasi nagsimula akong matino nagtapos akong loloko loko. Tinamad bagang makipagsabayan. Ewan ko ba. Hindi tuloy ako nakagraduate ng may honor. Pero may medal ako. Yes, medal na tungkol sa isang buong taon kong pagsasayaw sa campus. Wooo.

So kanina nga nakuha ko na yung classcard ko. Taken for granted pa nga yung pagpila ko kasi derederetso kami nung isa kong kaklase sa cashier dahil yung mga kanumber namin, nasa loob na. Bali hindi namin pinilahan dahil nakakatamad. Kita mo na? Panget kase ng sistema sa unibersidad namin pagdating sa enrollan. Rock enrollan ang nagaganap. 

Hanep sa fight scene yung dalawang ego. Sa sobrang hanep hindi ko na alam kung bakit bumata sila. Dahil ba pampalakas ng rating dahil bukas tapos na ang 100 days ni Anna sa lupa, o dahil epektib na ang maglaban ay mga bagets. Mukha ngang dyahe pag ang nagsapakan eh oldies, rayurayuma lang.

Hindi ko lang alam kung sa paanong paraan ako magpapaalam sa kabila kasi syempre andoon yung 5 buwan kong pangalan sa ngalan ng pagbloblog. Ewan. Naiinis na din kasi ako kasi ako mismo, nawawalaan ng kwenta sa mga post ko. Sabaw daw tawag dun. Big deal noh?

Big deal talaga sakin ‘tong tumblr kasi pag wala akong ginagawa, eto madalas kong kausap. Chika chika baga. Hindi ko nga alm kung paano ang buhay kapag wala ang mga gadgets na nagpapacool sa bawat araw ko. Kasi kapag wala yung mga yun, walang ipapausong internet, kapag walang usong internet, walang tumblr. Kapag walang tumblr, walang blogger. Kung walang blogger, walang nagtytype ngayon. Kung walang nagtytype ngayon, wala kang binabasa.

Basta eto lang, soon, magdedeac na ‘ko. Depende sa kung anong trip ko. Depende sa kung anong makain ko. Depende sa kung anong ihip na hangin ang dumampi sa balat ko. Depende sa mga bagay na sasagi sa isip ko. Basta, ako bahala. Woo. Parang may kausap eh noh? Basta. Prolly, sa pasko. Para cool, malamig kasi non db?


1 2 »
Paper Edge
Design by Athenability
Powered by Tumblr